100 gramo ng shabu at mahigit isang kilong marijuana, nakumpiska ng PNP sa tatlong drug suspek sa Taguig City

73

Nakuha ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 100 gramo ng shabu at isa’t kalahating kilo ng marijuana mula sa tatlong drug suspek sa buy-bust operation sa Dalampasigan Purok V, Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang mga naarestong drug suspek na sina Melalyn Tormes, Rozelle Nagales at Vien Krystian Guanzon.


Sa ulat, nagpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga pulis kaya nahuli sa akto ang mga suspek na nagbebenta ng shabu.

Nakuha sa mga drug suspek ang 100 gramo ng shabu na may street value na ₱680,000 at isa’t kalahating kilo ng marijuna na may value na ₱180,000.

Sa ngayon, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments