Higit 100 Katao, Nagpositibo sa Aggressive Community Testing

20

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang 171 katao sa isinagawang 4-days Aggressive Community Testing (ACT) sa bayan ng Tabuk City, Kalinga.

Base sa datos na inilabas ng Tabuk City Local Government Unit, nasa 4,153 na katao ang sumailalim sa pagsusuri habang 3,982 ang nagnegatibo naman ang resulta ng COVID-19 test.


Bukod dito, natapos na rin ang ginawang mass testing sa bayan ng Pasil kung saan nasa 982 na katao ang nakuhanan ng specimen at hinihintay na lang ang resulta ng kanilang pagsusuri.

Kasalukuyan naman ngayong hinihintay ang ilababas na resulta ng swab test ng nasa higit 1,000 katao na target patient ng isinagawang Aggressive Community Testing.

Facebook Comments