Naninirahan sa lansangan ang nasa 100 hanggang 300 pamilya sa Metro Manila.
Batay ito sa monitoring ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni DSWD Spokesperson Rommel Lopez na hindi nila kayang matukoy ang eksaktong bilang ng mga naninirahan sa lansangan dahil nagbabago ito on a day to day basis.
Pero lumalabas aniya sa kanilang monitoring na naglalaro sa pagitan ng 100 hanggang 300 families ang palaboy-laboy sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila.
Nagsasagawa na aniya sila ng profiling ng mga ito para mabigyan ng identification card.
Mula aniya sa ID na ito ay malalaman nila ang mga tutulungan na at matutukoy kung sino sa mga natulungan ang bumabalik pa rin sa lansangan.
Facebook Comments