Wage hike sa ibang rehiyon bukod sa NCR, panawagan ng isang kongresista

Pinuri ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang P40 minimum wage increase sa Metro Manila.

Bunsod nito ay nanawagan si Lee na itaas din ang sahod sa iba pang rehiyon sa bansa sa lalong madaling panahon.

Katwiran ni Lee, sa panahon na mataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay malaking tulong ang dagdag-sahod na ito lalo na sa mga lugar na marami ang naghihirap.


Kaugnay nito ay binigyang diin ni Lee ang kahalagahan na mapalakas din ang business sector upang mapalago ang mga negosyo na magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino at mataas na sweldo.

Hinggil dito ay tiniyak ni Lee ang pagtutok sa mga panukalang batas na lilikha ng trabaho at economic opportunities.

Facebook Comments