Batay sa pinakahuling resulta na inilabas ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit Batch 111 whole genome sequencing noong Agosto 9, 2022, karagdagang 100 local cases ang positibo sa Omicron variant (BA.1.1.529 at BA sublieanages).
Nakapagtala ang mga probinsya ng Cagayan (50), Isabela (27), Nueva Vizcaya (12) at Quirino (11).
Mula sa kabuuang 100 bilang, 87 ay Mild, 8 ay asymptomatic at 85 ay moderate lang.
Habang isinagawa ang karagdagang imbestigasyon ng surveillance team, napag-alaman na, 82 ang kumpirmadong kaso kung saan fully vaccinated, 13 ang nakatanggap palang ng unang dose at 5 ang hindi karapat-dapat na sumailalim sa pagbabakuna.
Ayon pa sa DOH, ang 100 kumpirmadong kaso ay gumaling na mula sa Omicron variant.
Paalala ng Cagayan Valley Center for Health Development ang mahigpit na pagsunod at pagsasagawa ng mga preventive measures tulad ng regular na paghuhugas ng kamay, paggamit ng maayos na face mask, limitahan ang pagpunta sa mga matataong lugar, kung may mga palatandaan at sintomas ng COVID19 humingi ng maagang konsultasyon at magpabakuna para sa karagdagang proteksyon laban sa malubhang dala ng COVID-19 at maiwasan ang pagpapaospital.