Cauayan City, Isabela- Handang handa na ang 100 kabang bigas na produkto mismo ng Isabela na ibibigay bilang tulong ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa Lalawigan ng Cagayan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, ito aniya ang mga bigas mula sa Super Cooperative ng Isabela na biniling palay mula sa mga local farmers.
Hinihintay na lamang aniya ang hudyat ni Isabela Governor Rodito Albano III kung kailan dadalhin ang mga bigas sa Cagayan para sa mga apektado ng malawakang pagbaha at nasalanta ng bagyo.
Samantala, aprubado na sa December 6, 2019 ang pagtatanim ng isang milyong punla ng punong kahoy o fruit bearing trees sa loob lamang ng isang araw sa paanan ng Sitio Lagis, Brgy. Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.
Nakahanda na rin ang iba’t-ibang mga ahensya na magbibigay ng mga seedlings na itatanim sa isang araw na aktibidad.