1- Milyong tulong ibibigay sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao ng Alaminos City, Pangasinan

Nakatakdang ibigay ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang isang milyong halagang tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.
Sa Resolution No. 2019-151 na inparubahan ng Sangguniang Panlunsod nakasaad dito na magbibigay ng tig 500, 000 ang lokal na pamahalaan sa Kidapawan at Makilala City.
Magagamit umano ang pera sa rehabilitation ng lugar dahil sa matinding natamo nitong pinsala dahil sa lindol.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Mayor City Arth Bryan Celeste, Kinumpirma nito na bukas o sa araw ng linggo maipaparating ang tulong ng lokal na pamahalaan sa Mindanao.
###

Facebook Comments