100 katao, nawawala sa landslide sa China

196

World – Halos 100 katao ang nawawala matapos ang landslide sa Sichuan province sa South-Western China.

Sa ngayon ay patuloy ang search ang rescue operations para sa mga nawawalang biktima.

Kabilang sa mga naapektuha ng landslide ang Xinmo Village, Maoxian Country, matapos gumuho ang isang bahagi ng bundok dito.


Natabunan din ang halos dalawang kilometro ng isang ilog malapit sa lugar.

Facebook Comments