100 workers ang patungo ngayong araw sa Bicol Region para tumulong sa pagkumpuni ng transmission lines na sinira ng Bagyong Rolly.
Ang mga ito ay nagmula sa 11 electric cooperatives mula sa Region 8.
Ginawa ng Federation of Rural Electric Cooperatives ang deployment bilang tugon sa kahilingan ng Philippine Rural Electric Cooperative Association Inc. (PHILRECA).
Ang convoy ay tinawag nilang “Task Force Duterte-Power Restoration Rapid Deployment”.
Dala-dala ng mga ito ang kanilang mga heavy equipment at mga kagamitan para sa restoration works.
15 araw na mananatili ang mga linemen sa Bicol Region at sapat na panahon para maibalik sa normal ang operasyon ng elektrisidad.
Bago sila umarangkada sa operasyon, sasailalim muna sila sa antigen testing at pagproseso sa dokumento na requirements sa health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19.