Umaabot sa 100 na mga estudyante mula sa Lungsod ng Cauayan ang nabigyan ng tig-P6,000 na halaga sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinangunahan ni City Mayor Jaycee Dy Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo na isinagawa sa Bamboo Conference Room, Cauayan City Hall, Isabela.
Ang halaga na natanggap ng mga benepisyaryo ay kapalit ng kanilang pagbibigay serbisyo’t trabaho sa loob ng 20 araw.
Ang 60% ng halagang inilaan sa SPES ay mula sa LGU Cauayan habang ang 40% ay mula sa DOLE.
Ang SPES ay isang programa ng DOLE para sa mga kabataan upang magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral, out-of-school youth, at mga dependent ng mga displaced o magiging displaced na manggagawa sa upang dagdagan ang kita ng pamilya at para makatulong na maipagpapatuloy ng mga benepisyaryo ang kanilang pag-aaral.
Facebook Comments