100 milyong doses bakuna kontra COVID-19, target bilhin ng bansa sa susunod na taon

Target ng pamahalaan na makabili pa ng karagdagang 100 milyongh doses ng bakuna sa susunod na taon.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa 4 na vaccine manufacturers.

Aniya, bukod pa ito sa paparating na biniling higit tig-10 milyong doses ng Pfizer BioNTech at Sinovac vaccines , 5 milyong doses mula sa Moderna at 5.9 milyon na donasyon ng COVAX facility.


Nakatakda ring pumirma ng kontrata ang gobyerno sa kompanyang Johnson&Johnson para sa 6 na milyong bakuna na ide-deliver sa January 2022.

Sa ngayon, umabot na sa 77, 417, 640 doses na sinasabing kalahati na ng kinakailangang bilang bakuna ng bansa para target population na 70 milyong Pilipino.

Facebook Comments