Isang seafarer, naghain din ng COC sa pagkapangulo

Isang seafarer sa katauhan ni Melchor Juno ang kabilang sa mga naghain ng Certificate of Candidacy ngayong araw sa pagka-pangulo.

Aniya, kapag siya ang nanalo paiiralin niya ang rule of law at magkakaroon ng boses ang mga mahihirap.

Isa ring independent presidentiable na si Renato Jose Valera ang naghain ng COC sa pagka-pangulo.


Aniya, wala siyang track record pero pinagmamalaki niya ang pagkakaroon ng 13 anak sa iisang asawa.

Ibabalik niya rin aniya ang gobyerno sa mga tao kapag siya ay nanalong president.

Facebook Comments