100 na estudyante sa Malaysia, nagkasakit dahil sa polusyon sa hangin

via RMN Files

Inanunsiyo ng Department of Education ng Malaysia na pansamantalang isasara muna ang 400 na eskuwelahan dahil sa air pollution na sanhi ng pagkakasakit ng 104 na estudyante.

Una na ring nagsara ang 100 na paaralan nitong Marso dahil sa iligal na pagtatapon ng toxic waste sa ilog na sanhi rin ng pagkakasakit ng 4,000 na tao.

May naitala ring mga estudyante na nagco-collapse at nagsusuka. Ang mga kasong naitala ay karamihan sa distrito ng Pasir Gudang.


Pinahayag naman ng mga magulang ng mga bata ang pag-aalala sa polusyon ng hangin na maaaring makaapekto sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Samantala, ang pansamantalang pagtigil muna ng mga klase ang aksyon na ginawa ng awtoridad.

Facebook Comments