Inihayag ng Department of Budget and Management Region 1 na nasa 100% ng mga lokal na pamahalaan sa Ilocos Region ang nakapagsumite na ng kanilang devolution transition plans kasunod ng pag-iral ng Mandanas Ruling ngayong taon.
Ayon kay DBM Regional Director Ria Bansigan, ang DTPs ay pagpaplano ng bawat lokal na pamahalaan kung papaano nila iimplementa ang mga proyekto sa kanilang nasasakupan kada taon.
Aniya, nagpapatuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga LGUs upang mabigyan ang mga ito ng pag-agapay sa kani-kanilang mga programa.
Nagsasagawa din ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ng programa para sa mga LGUs upang mabigyan ng mas malalim na kaalaman at impormasyon sa pagbuo ng nasabing mga plano at magampanan ang mas malaking tungkulin.
Taong 2018, nang palawakin ng Korte Suprema sa pamamagitan ng Mandanas Ruling, ang internal revenue allotment share ng LGUs sa lahat ng national taxes kabilang na ang nakokolekta ng Bureau of Customs. | ifmnews
Facebook Comments