100% NG MGA PDL SA DAGUPAN CITY, BAKUNADO NA KONTRA COVID-19

32

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Bakunado na ang 100% ng mga person deprived of liberty (PDL) sa Dagupan City kontra COVID-19.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan, fully vaccinated na ang 728 na PDL na nasa kanilang kustodiya.

Kahapon isinagawa ang pagbibigay ng 2nd dose sa mga natitirang PDL na tumanggap ng bakuna.


Inihayag din ng pamunuan ng BJMP na maging ang 53 personnel nito ay fully vaccinated na.

Buwan ng Setyembre nang simulan ang pagbabakuna sa mga PDL sa lungsod.

Matatandan na mas mabilis ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng bilangguan dahil na rin sa mahirap magpatupad dito ng physical distancing.###



Facebook Comments