100% ng target population sa Metro Manila, fully vaccinated na

54

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na 100% nang tapos ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA Chairperson Benhur Abalos Jr., 100% ng target population ng Metro Manila ang fully vaccinated na.

Ipinagmalaki rin ni Abalos na nakontrol na ang pagkalat ng Delta variant sa bansa.


Nauna nang sinabi ni Abalos na aabot sa 9.8 milyon ang eligible population sa NCR.

Facebook Comments