100 paaralang kasali sa pagsisimula ng limted face-to-face classes sa susunod na linggo, handa na

Handa na 100 paaralan na lalahok sa pagsisimula ng limited face-to-face classes sa susunod na linggo, Nobyembre 15, 2021.

Ayon sa Department of Education, nakapagpasa na ng implementation plan at pasado na rin sa safety school assessment ang lahat ng kalahok na paaralan.

Bakunado na rin ang mga gurong magtuturo sa mga estudyante.


Pero nabatid na apat na paaralaan ang pinalitan matapos umatras ang kinabibilangang lokal na pamahalaan at hindi pagiging kwalipikado.

Samantala, 30 private schools din ang posibleng kasali sa limited face-to-face classes pero inihayag ng DepEd na kailangan muna nila itong suriin dahil 20 paaralan lamang ang pinayagan ng otoridad.

Facebook Comments