Subsidy sa 4Ps members, ide-delay lang – DILG

Nanindigan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa panukalang “no vaccine, no subsidy” sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ibibigay naman ang ayuda sa mga benepisyaryo ng 4Ps kapag nabakunahan na ang mga ito.

Aniya, nais lamang naman nilang protektahan ang mga miyembro ng 4Ps laban sa COVID-19.


Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 at karapatan ng 4Ps member na matanggap ng buo ang benepisyo dahil kwalipikado ang mga ito.

Facebook Comments