Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 100 pamilya o 362 indibidwal ang nananatili sa tatlong evacuation center sa lungsod ng Tuguegarao dahil lubog pa rin sa tubig-baha ang kani-kanilang mga kabahayan bunsod ng naranasang pag-uulan sa lungsod.
Ayon kay City Mayor Jefferson Soriano, mas marami pa ring pamilya ang nasa evacuation center ng Annafunan East Elementary School kung saan maraming bilang ng mga ito ang apektado sa bahagi ng core shelter na isa sa matinding sinalanta naman ng nagdaang Bagyong Ulysses.
Aniya, tiniyak nito ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng family food packs sa mga pamilyang apektado ng pagbaha gayundin ang lahat ng residente sa mga barangay ng lungsod.
Kaugnay nito, nasa mahigit P4 milyon na ang natatanggap na donasyon ng LGU Tuguegarao mula sa iba’t ibang sektor.