100 rebelde sa Sulu, nagbalik-loob narin sa pamahalaan

Itinuturing na major achievement ng Philippine National Police (PNP) ang pagsuko ng 100 dating mga rebelde sa Sulu.

Ayon kay PNP Officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., resulta ito nang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa layuning makamit ang kapayapaan sa bansa.

Kasama ding nai-turn over ng mga rebelde ang kani-kanilang mga armas.


Samantala, pinagkalooban naman ng pera at pagkain ang mga nagsipag sukong mga rebelde.

Imo-monitor din ani Danao ang pamumuhay ng mga ito.

Kasunod nito, sinabi ni Danao na hindi titigil ang pamahalaan sa paghikayat sa mga rebelde na sumuko.

Patuloy anilang susuyurin ang mga tinaguriang rebel-infested areas para mahikayat ang mga ito na magbalik loob na sa gobyerno.

Facebook Comments