100 repatriated Filipinos mula sa Amsterdam at Netherlands, nakauwi na sa Pilipinas

44

Nakauwi na sa Pilipinas ang aabot sa 100 repatriated Filipinos mula sa Amsterdam at Netherlands.

Karamihan sa mga ito ay seafarers na sinalubong ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA)

Nakasakay ang mga nasabing Pinoy sa Smartlynx Estonia Flight MYX 8480, isang OSM Maritime Group-Chartered Flight.


Nagpasalamat naman si OUMWA undersecretary Sarah Lou Arriola sa One-Stop Shop for the management of returning overseas Filipinos (OSS) na tumulong sa kanila para makabalik sa bansa.

Sasailalim ang mga Pilipino sa quarantine protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments