Dalawang magkasunod na laro ng Chicago Bulls, kinansela dahil sa COVID-19 outbreak

Kinansela ng National Basketball Association (NBA) ang dalawang magkasunod na laro ng Chicago Bulls.

Ito ay matapos ang outbreak ng COVID-19 na tumama sa marami nilang mga players na siyang unang postponement ng mga games sa NBA.

Ang manlalarong nagpositibo ay si Alize Johnson na ika-10 player ng koponan na inilagay sa quarantine ng liga.


Una rito, isinailalim na rin sa health and safety protocols ang mga top players at leading scorers ng team na sina Zach LaVine at DeMar DeRozan.

Gayundin sina Coby White, Javonte Green, Derrick Jones Jr., Ayo Dosunmu, Matt Thomas, Troy Brown Jr. at Stanley Johnson.

Facebook Comments