Cauayan City, Isabela- Natukoy na ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang mga vaccination sites sa bawat munisipalidad at Lungsod sa probinsya.
Mula sa tatlumput apat na mga barangay at dalawang Lungsod sa Lalawigan, mayroong 100 na vaccination areas ang itinalaga para sa gagawing pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga mamamayan ng Isabela.
Ang mga vaccination sites ay kinabibilangan ng government and private medical centers, community and district hospitals, rural health units, infirmaries, public schools, gymnasiums, barangay halls at mga community centers.
Kaugnay nito, sa Lungsod ng Cauayan ay isasagawa ang vaccination sa Cauayan District Hospital, Isabela United Doctors Medical Center, at sa mga covered court ng brgy San Fermin, Nungnungan II, Baringin Sur, Cabaruan at sa Villa Luna.