76ers, naungusan na ang Nets sa Eastern Conference

34

Nanguna na bilang top team sa Eastern Conference ang Philadelphia 76ers matapos talunin ang Brooklyn Nets sa score na 123-117.

Kasunod ito ng kawalan sa Nets nina James Harden at Kevin Durant dahil sa injuries.


Hindi napigilan ng Nets ang pamamayani ni Joel Embiid na nagtala ng 39 points at 13 rebounds habang nagdagdag naman ng 17 points si Ben Simmons para sa 76ers.

Nasayang naman ang doble kayod ni Kyrie Irving na nakagawa ng 37.

Facebook Comments