*Cauayan City,Isabela*- Tinanggap ng may kabuuang 1,000 magsasaka mula sa Lungsod ng Santiago ang kanilang loan bilang bahagi ng Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers (SURE Aid Program) ng pamahalaan.
Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA Region 2, ito ay upang mabigyan ng prayoridad ang mga magsasakang apektado ng mababang presyo ng bentahan ng palay.
Sinabi pa ni Direktor Edillo na ang ganitong uri ng ayuda ay para matiyak na magtutuloy tuloy pa rin ang kabuhayang sinasaka ng mga magsasaka sa buong Lambak ng Cagayan.
Ang SURE Aid Program ay tatanggap ang bawat magsasaka ng P15,000.00 bilang loan assistance na nagsasaka ng hindi bababa sa isang ektarya at ito ay babayaran sa loob ng walong (8) taon na walang interes.
Tiniyak naman ng Department of Agriculture na patuloy ang pagbibigay ng tulong pinansyal para higit na matulungan ang mga magsasaka.
Photo Courtesy: LGU Santiago