3 Katao, Huli sa Tangkang Pagpuslit ng mga Iligal na Kahoy!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong indibidwal sa bayan ng Pamplona, Cagayan matapos masabat ang kanilang sinasakyan dahil sa kargang mga kahoy.

Kinilala ang mga suspek na sina Sonny Grande, 48 anyos, Alejandro Corpus Jr, 45 anyos, helper, kapwa residente ng San Nicolas, Ilocos Norte, at Benjamin Badua, 46 anyos na residente rin ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasabat ng otoridad sa kanilang isinagawang checkpoint ang Elf na may plakang ETL 351 na minamaneho ni Grande matapos makitaan ng iba’t-ibang klase ng tablon.


Nang hanapan ng kaukulang dokumento ang mga naturang kahoy ay bigo silang magpresinta ng permit mula sa DENR na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o sa Revised Forestry Code of the Philippines ang tatlong suspek.

Facebook Comments