Cauayan City, Isabela- Inaasahang matatanggap ng nasa kabuuang 3,575 na pamilyang Novo Vizcayano ang financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 02 matapos maapektuhan ang nasabing bilang ng pamilya ng manalasa ang malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 11,2020.
Isasagawa naman ang two-day direct cash pay-out sa mga benepisyaryo partikular ang pagtanggap ng P5,000 para sa mga totally damaged na kabahayan habang P3,000 ang partially damaged.
Kaugnay nito, nasa 1,000 pamilya palang ang nakatanggap ng tulong pinansyal dahil ito lang ang maaaring i-accommodate sa Capitol compound kung saan ginawa ang distribusyon at upang masunod ang physical distancing.
Aabot naman sa P2.9 milyon ang kabuuang naipamahagi sa 1,000 pamilya na apektado ng kalamidad.