Grupong ISIL inaming sila ang nasa likod ng magkasunod na suicide bombing sa Baghdad, Iraq

252

Inako ng grupong Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) ang nangyaring twin suicide bombing sa Baghdad, Iraq.

Nagdulot ang nasabing pagsabog sa pagkasawi ng 32 indibidwal habang 110 naman ang naitalang sugatan.


Ayon kay Ministry of Defense Spokesperson Yahya Rasool, isa sa dalawang suicide bombers ang namataan sa palengke ng Tayaran Square bago ang pagsabog.

Habang sinamantala naman ng ikalawang suicide bomber ang pagdami ng taong rumesponde bago nito pasabugin ang sarili.

Matatandaang Enero 2018 ay nagkaroon din ng twin suicide bombing na ikinasawi naman ng 35 na indibidwal.

Facebook Comments