Karagdagang 1,000 pulis ang ipapakalat sa Metro Manila para sa mahigpit na pagpapatupad ng firecrackers ban sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brigadier General Vicente Danao Jr., ang mga karagdagang pulis ay magsisilbing augmentation sa anti-criminality campaign, target-hardening measures kontra terorismo at pagpapatupad ng health safety protocols sa harap ng pandemya.
Ang mga paputok ay hindi lamang mapanganib sa mga biktima dahil mas mataas ang tiyansang magkaroon sila ng COVID-19 infection kapag idinala sila sa ospital.
Nitong December 15, nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila mayors na inirerekomenda ang pagbawal ng paputok sa harap ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments