1,000 Sako ng Bigas, Ibinigay ng Provincial Government ng Isabela sa mga Apektado ng Pagsabog ng Bulkang Taal

*Cauayan City, Isabela*-Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang isang libong sako ng bigas bilang tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Isabela, dadalhin ang mga saku-sakong bigas sa Cavite at Batangas na lubhang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal pero hahatiin sa bawat 500 daang sako ng bigas sa dalawang probinsya.

Sinabi pa ni Ginoong Santos na hindi na kailangan pang magpadala ng karagdagang rescue team sa Batangas dahil sapat na ang mga tauhan na manggagaling sa Metro Manila.


Nanawagan naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na ipagdasal ang mga residente sa lugar na siyang nakararanas ng kasalukuyang krisis dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa kabila nito ay tiniyak ng provincial government ng Isabela na magpadala pa ng mga karagdagang tulong sa lalawigan ng Batangas kung kinakailangan.

Facebook Comments