LTC. Angelo Saguiguit, Itinalagang Commanding Officer ng 17th IB

*Cauayan City, Isabela*-Itinalaga na ang bagong commanding officer ng 17th Infantry Batallion, Philippine Army na si Lt/Col. Angelo Saguiguit.

Isinagawa ang Turn-over Command Ceremony sa Barangay Masin, Alcala na pinangunahan ni Maj. General Pablo Lorenzo, commanding officer ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Pinalitan ni Saguiguit si Lt. Col. Jesus Pagala na itatalaga bilang bagong Operations officer ng 5th ID.


Sa naging talumpati ni LTC. Saguiguit, isang hamon aniya sa kanya panibagong tungkulin kung kaya’t pagbubutihin niya umano ang kanyang iniatas sa kanya ng nakataas na opisyal upang pagsilbihan ang publiko.

Dagdag pa nito na asahan na kanyang ipagpapatuloy ang magagandang nasimulan ni Pagala laban kontra insurhensiya.
Hiniling naman nito na suportahan siya upang matugunan ang mga problema sa lipunan.
Si Saguiguit ay dating Executive Officer ng 502nd IB na nakabase sa Echague, Isabela.

Nakiisa naman sa seremonya sina B/Gen Henry Doyaoen ng 503rd IB, B/Gen Laurence Mina, Commander ng 502nd IB, Gov Manuel Mamba at mga lokal na opisyal.

Facebook Comments