10,000 bagong slots para sa TNVS, binuksan

Hinimok ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) na Grab ang 5,000 partner driver nito na na-deactivate na samantalahin ang 10,000 bagong slots na binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Grab Philippines spokesperson Nicka Hosaka, maaari pang magre-apply ng prangkisa ang na-deactive na 5,000 partner drivers nito para punan ang nasa 65,000 TNVS supply cap.

Aniya, sa ngayon ay mayroon ang Grab ng nasa 45,000 active TNVS drivers.


Matatandaang nasa 8,000 partner drivers nito ang i-dineactive ng Grab matapos mabigong makapagsumite ng provisional authority to operate mula sa LTFRB.

Pero 3,000 drivers nito ang muling pinayagan ng LTFRB matapos makapag-submit ng kanilang dokumento.

Facebook Comments