Sen. Pacquiao, biyaheng Amerika na para sa mas matinding training

Biyaheng Amerika na bukas patungong Estados Unidos si Senator Manny Pacquiao para ipagpatuloy ang kanyang training para sa laban nito kay Keith Thurman.

Tutulak ang Team Pacquiao sa Los Angeles, California kung saan makakasama nila si trainer na si Freddie Roach na nag-aabang na sa Wild Card Gym.

Ayon kay Justin Fortune, strength and conditioning coach ni Pacquiao – plantsado na rin ang sparring para sa “fighting senator”.


Doon na rin aniya papasukin ni Pacquiao ang krusyal na bahagi ng kanyang ensayo at asahan din ang dagdag na road at foot work program para dito.

Gaganapin ang harapan nina Pacquiao at Thurman sa Hulyo 21 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Facebook Comments