Isiniwalat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nakapagtala sila ng nasa 10,000 kaso na kinasasangkutan ng mga tiwaling health institutions at medical professionals.
Ayon kay PhilHealth President Ricardo Morales, kinabibilangan ito ng mga ‘upcasing,’ false claims, tulad ng pagsusumite ng mga ospital ng claims para sa pneumonia kahit na ang pasyente ay may ubo at sipon lang.
Sinagot ni Morales ang mga isyu kaugnay sa unpaid claims ng PhilHealth sa mga ospital na umano’y nagkakahalaga sa ₱18 billion.
Giit niya, hindi umano nila alam kung saan ito nanggaling, dahil iba naman ang sinasabi ng kanilang datos.
Una nang hinikayat ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez sa pamamagitan ng House Resolution No. 970 na bayaran ng PhilHealth ang kanilang ₱18 billion unpaid claims sa mga accredited hospitals sa bansa.