10,000 pulis, ipapakalat sa NCR bukas, Labor Day

Nakahanda na ang hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagtiyak ng seguridad para sa selebrasyon ng Araw ng Paggawa bukas, Mayo 1.

Ayon kay NCRPO Director Pol. Maj. Gen. Vicente Danao Jr., mayroong 10,000 na mga pulis ang kanilang ipakakalat sa NCR para tiyakin ang peace and order situation.

In-activate na rin ng NCRPO ang kanilang mga tauhan mula sa Reactionary Standby Support Force sa Camp Bagong Diwa para maging katuwang ng local police sa pagpapatupad ng seguridad.


Habang naka-alerto na rin aniya ang kanilang Civil Disturbance Management Team para sa biglaang pagtitipon na isasagawa ng iba’t ibang grupo.

Samantala, batay sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), bawal ang mass gathering sa mga lugar na nakapailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) areas tulad ng NCR Plus bubble.

Facebook Comments