10,000 vaccination sites inihahanda na sa National Vaccination Day

69

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan para sa 3 araw na National Vaccination Day.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., limang libo hanggang 10 libong vaccination sites ang inihahanda para sa tatlong araw na pagbabakuna simula November 29 hanggang December 1.

Ani Galvez, 25,000 hanggang 50,000 vaccinators naman ang kanilang ipakakalat sa iba’t-ibang vaccination sites.


Maliban sa mga eskwelahan, gagamitin ding vaccination sites ang mga mall at mga kampo ng militar.

Bukod sa gagamiting mga assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Department of Transportation (DOTr), magbibigay rin ang mga ito ng personnel na magbabantay para naman sa seguridad at magsisilbing marshalls sa mga itatalagang vaccination sites.

Habang ang mga nasa pribadong sektor, medical associations, religious sectors, non-government organizations pati na ang riders association at mga bikers ay tutulong na rin para sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa gaganaping malawakang pagbabakuna lalo na sa malalayo o liblib na mga lugar.



Facebook Comments