Mahigit 2,000, bagong gumaling sa COVID-19

70

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 2,393 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,748,069 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 849 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,819,341 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 0.9% o 25,464 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

99 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 45,808 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments