Nakiusap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 100,000 kwalipiadong family-beneficiaries na hindi pa nakakatanggap ng emergency cash subsidy na makipag-ugnayan sa field offices ng ahensya para sa paglalabas ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DSWD Undersecretary for Special Concerns Camilo Gudmalin, naipa-abot na nila ang ayuda sa 14 milyong benepisyaryo mula sa 14.1 million targeted beneficiaries para sa second wave ng cash assistance.
Sinabi ni Gudmalin, naaantala ang paglalabas ng second tranch cash aid dahil bigo ang mga benepisyaryo na ibigay ang mga kinakailangang personal information, kabilang ang kanilang middle names at cellphone numbers.
Para matiyak na maibibigay ang cash aid sa 14.1 million beneficiaries, pinalawig ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang memorandum of agreement (MOA) sa anim na financial service providers para sa digital disbursement ng cash aid.