100,000 manggagawa, nawalan ng trabaho sa unang bahagi ng 2020 ayon sa DOLE

Umabot na sa halos 100,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho ngayong taon.

Base sa Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employmtent (DOLE), aabot na sa 99,853 displaced workers sa buong bansa mula Enero hanggang June 28, 2020 bunsod ng retrenchment at pagsasara ng mga establisyimento.

Mula sa 3,745 establishments, 3,389 dito ay nagbawas ng trabahante, habang 356 ang permanenteng nagsara.


Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamaraming bilang ng apektadong manggagawa na nasa 46,660, sinundan ng CALABARZON (20,745), Central Luzon (10,836), Cordillera Administrative Region (5,153), Central Visayas (4,856), Davao Region (2,606), Northern Mindanao (2,309), Ilocos Region (1,558), Western Visayas (1,183), Eastern Visayas (977), Cagayan Valley (974), Caraga (604), Bicol Region (594), Soccsksargen (554), MIMAROPA (223), at Zamboanga Peninsula (21).

Karamihan sa mga apektadong manggagawa ay mula sa administrative at support service at manufacturing sector.

Umapela naman si Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay sa pamahalaan na dapat makatanggap ng ayuda ang mga manggagawang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu.

Facebook Comments