Vic Sotto, pabirong nireto ang anak na si Vico kay Tarlac Mayor Donya Tesoro

2030

Mistulang naging matchmaker si Bossing Vic Sotto para sa anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto nang malaman na walang manliligaw si San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro.

Naging contestant kasi ang 29-years old na alkalde ng Tarlac sa show nila Vic kung saan natanong ito sa kanyang love life.


Say ni Mayor Tesoro, wala siyang love life dahil walang naglalakas ng loob na manligaw sa kanya.

Sa pagkakataon ito, pabirong tinawagan kunwari si Vic sa anak na si Vico para ipaalam na walang nanliligaw sa dalaga.

Parehong single sina Vico at Donya ngayon, magka-klase sa Ateneo School of Government noon at parehong mas priority ang paglilingkod sa bayan.

Una na ring na-link sina Vico at Donya sa isa’t-isa.

Facebook Comments