Higit 100,000 trabaho ang alok ngayon ng Estados Unidos para sa mga medical technologist.
Ayon kay Labor Attache to Washington Angela Trinidad, ang Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) ay nananawagan sa pamahalaan na i-review ang deployment cap na tanging 5,000 Filipino healthcare workers lamang ang pwedeng magtungo abroad.
Sa mga susunod aniyang taon, aabot sa 2.5 million nurses ang kailangan dahil sa malaking bilang ng mga nurse na magreretiro sa US.
Karamihan sa mga job orders na natanggap ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay mula sa healthcare industry.
Batay sa datos ng POLO Washington, nasa 514,000 documented Filipino migrant workers ang nagtatrabaho sa eastern part ng US at 12,000 workers sa Caribbean islands.