101 ANYOS NA LOLA SA TUMAUINI, ISABELA, BINIGYAN NG 100,000 PESOS NG DSWD

Isang lola sa Tumauini, Isabela na nagdiwang ng kanyang ika-101 na kaarawan ang nakatanggap ng 100,000 pesos mula Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay alinsunod sa Republic Act 10868 o mas kilalang Centenarian Act of 2016 na kung saan binibigyang pugay ang lahat ng mga Pilipino na umabot ng 100 na taong gulang.

Si lola Florentina Lagmay Lapitan na residente ng Barangay Liwanag, Tumauini, Isabela ay nagdiwang ng kanyang ika-101 na kaarawan noong Hulyo, 29, 2022.

Binisita ni DSWD Centenarian Program Head, Wilma B. Asistores kasama sina Municipal Mayor Venus T. Bautista and MSWDO Marilen Fugaban si lola upang personal na ibigay ang 100,000 pesos.

Facebook Comments