101-year old na lola, nakatanggap ng cash assistance

Surigao del Sur, Philippines – Ikinagalak ng 101-year old na lola na si Nanay Teresa Monserate Aguijetas sa lungsod ng Bislig, Surigao del Sur ang natanggap nitong Plaque of Recognition at 100 thousand pesos cash kamakailan lang.

Ang plaque ay ipinagkaloob ng Federation of Senior Citizen Association ng Bislig City samantalang ang 100 thousand pesos cash ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay bilang Centenarian gift sa ilalim ng Republic Act 10868, sapagkat napaka-dalang na ang nabubuhay nang ganito kahabang taon sa panahon ngayon.


Facebook Comments