Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, aminadong nanumbalik ang bentahan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons

232

Manila, Philippines – Aminado si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na nanumbalik ang bentahan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Aniya, nakatanggap siya ng report na may mga bagong inmates ang sangkot ngayon sa Bilibid drug trade.

Gayunman, ayon kay Aguirre, hindi na ito kasinglawak ng problema noon.


Pinai-imbestigahan na rin ng kalihim ang ulat na ilang tauhan ng PNP – Special Actions Force na nagbabantay sa bilibid ang nakorap na rin ng droga.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang PNP – SAF tungkol dito.

Facebook Comments