102 OFWs na nag-avail ng amnesty program ng Saudi government, dumating sa bansa

173

Manila, Philippine – Karagdagang isang daan at dalawang undocumented OFWs mula Riyadh, Saudi Arabia ang dumating sa bansa ngayong hapon.

Sila ay kabilang sa libu-libong undocumented Pinoy workers sa Saudi Arabia na nag-avail ng amnesty program ng Saudi government.

Sa kabuuan, umaabot na sa anim na libong undocumented OFWs ang napauwi ng gobyerno ng Pilipinas


Ayon sa OWWA, siyam na libo pang stranded OFWs sa Saudi Arabia ang naghihintay ng repatration.

Mula sa June 25 deadline ng Saudi government sa amnesty program, ito ay pinalawig hanggang sa July 24.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments