Menor de Edad na Ama, Nagbigti

8719

Benito Soliven, Isabela – Nagbigti ang isang menor de edad na ama matapos ang kanilang away sa kanyang tatay sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Ang nagpakamatay ay nakilalang si Benjie Balbin y Ramirez, disisiyete anyos, magsasaka at panganay sa tatlong magkakapatid. Natagpuan ang kanyang nakabitin na katawan sa isang puno ng “Tebbeg” sa Makindol Creek , Makindol, Benito Soliven Isabela.

Sa impormasyon na nakalap ng 98.5 RMN Cauayan News Team, mayroong hindi pagkakaintindihan ang nagpakamatay sa kanyang ama na nakilalang si Benedicto Balbin y Luis, 44 anyos at residente rin sa naturang lugar. Lasing umano noong Linggo, Hulyo 9, 2017, ang nagpakamatay at pinuntahan ang bahay ng kanyang ama bandang alas tres ng hapon at muling naungkat ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Matapos umanong suntukin ang dingding ng bahay ng ama ay patakbong umalis si Benjie papuntang kabukiran na may dala dalang tali at hindi na umuwi. Hinanap ng kanyang mga kamag anak at kabarangay kaninang umaga at nakita na lamang ang nakalaylay na katawan sa isang kahoy.


Ayon sa rumespondeng pulisya ng Benito Soliven,Isabela, ang tantiyang oras ng papapakamatay ng nagpakamatay ay gabi ng Linggo, Hulyo 9, 2017 dahil matigas na ang bangkay nang ito ay ibaba sa pinagbigtihang kahoy.
.
Iniwan ng menor de edad na ama ang kanyang live-in partner na disisais anyos at sanggol na anak na wala pang isang taon.

Hindi na humingi ng imbestigasyon sa pulisya ang ama ng nagpakamatay dahil pangalawa na daw itong pagtatangka sa kanyang sariling buhay.

Facebook Comments