Naitala ang 103, 035 na indibidwal sa Ilocos Region ang paninigarilyo ayon sa datos ng Department of Health-Center for Health Development Region 1.
Ayon kay Erwin Baclig ang Senior Health Program ng DOH-CHD1, sa tala ng kagawaran noong 2019, nasa 48, 404 ang naitalang naninigarilyo sa rehiyon at 54, 631 naman noong nakaraang taon.
Aniya, ang bilang ay naitala sa bawat LGUs ng rehiyon.
Sinabi din nito na karamihan sa mga rural health units sa rehiyon ay mayroong smoking clinics upang matulungan ang mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo.
Giit naman ni Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1, Information Officer, malaki umano ang tiyansa na mahawaan ng COVID-19 ang isang indibidwal na naninigarilyo o nagbi-vape maging ang tsansang makuha ang severe o critical na COVID-19 dahil sinisira ng paninigarilyo ang natural na protection ng baga sa mga virus.
Para sa mga indibidwal na gusto ng itigil ang paninigarilyo o nahihirapang itigil ang paninigarilyo maari umanong tumawag sa 1158 upang matulungan ang mga ito.