104% target population ng Muntinlupa, nabakunahan na kontra COVID-19

104.2% ng target population ng Muntinlupa City ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ito ay katumbas ng 733,219 na bakuna na naiturok ng pamahalaang lungsod.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagbibigay ng booster shots sa healthcare workers ng lungsod.


Sabayang ginagawa ang pagbibigay ng booster shots sa Ospital ng Muntinlupa (OsMun), SM Center Muntinlupa, Ayala Malls South Park, Sucat Health Center at Cupang Health Center.

Kasabay ito ng patuloy rin na pagbabakuna sa mga menor de edad na residente ng Muntinlupa City.

Facebook Comments