Mahigit 1.3 million doses ng COVID vaccines, dadating bukas sa bansa

43

2 batch ng COVID-19 vaccines ang dadating sa bansa bukas.

Kabilang dito ang 700,000 doses ng AztraZeneca vaccines na donasyon ng Australian government.

Pasado alas-10 bukas ng umaga dadating ang naturang mga bakuna sakay ng Cathay Pacific flight na lalapag sa NAIA Terminal 3.


609,570 doses naman ng Pfizer vaccines ang dadating din sa bansa bukas pasado alas-9 ng gabi.

Ang naturang mga bakuna ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Kanina halos 700 thousand na doses ng Moderna vaccines ang dumating sa bansa.



Facebook Comments