
โ
โCauayan City โ Ipinagdiwang ng lalawigan ng Isabela ang tagumpay ni Atty. Richmond B. Lucas, isang tubong Barangay Diamantina, Cabatuan, matapos niyang makuha ang ika-9 na puwesto sa 2025 Bar Examination na may markang 90.45 porsiyento.
โ
โTinapos ni Lucas ang kanyang pag-aaral sa abogasya sa University of La Salette, Inc. sa Santiago City noong 2023. Bago ito, kumuha muna siya ng kursong Nursing sa Northeastern College at kalaunan ay naging lisensiyadong nurse.
โ
โInialay ni Atty. Lucas ang kanyang tagumpay sa kanyang yumaong ina, gayundin sa kanyang pamilya at mga kaibigan na patuloy na sumuporta sa kanya sa kanyang paglalakbay tungo sa tagumpay.
โ
โSource: ISABELA PIO
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










